Friday, August 26, 2011

a secret and an hour

Dumating siya ng late, sa isa pang laboratory class, at nakapag-usap naman kami ng maayos bago naging busy. Welcoming, comfortable conversation. Medyo malamig ang aura ng klase namin kasi na-open ang ilang issues na pinoproblema naming magkakaklase. Pero wala naman siyang naging epekto sa aming dalawa, I mean, in terms of the mood for the day.

Siguro masyado na akong mababaw, pero may isang oras, more or less, na nag-usap kami, at sobrang sarap sa pakiramdam.

Lumipat siya malapit sa upuan ko near the end of the day. Meron kasi siyang imi-meet na kaibigan at gusto niya, kapag tumakas siya sa klase, hindi masyadong halata, kaya doon siya pumuwesto sa may pintuan. I didn't care anymore what other people, our friends, thought of us; I moved my chair next to her and talked with her until her supposed meeting with the friend she was talking about.

Ang sarap-sarap makipag-usap sa kanya. Ang sarap-sarap lang talaga. She was talking and joking and telling stories - it was so intoxicating, yet again. May nalaman akong sikreto niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pero tinanggap ko nalang. She said it was not something she was proud of, pero para sa akin wala namang naging epekto yun sa kung sino siya. I still love her all the same. Hindi pa niya alam yun. Sa ngayon. Hahaha.

That was a magical hour. I wouldn't trade it for anything else.

Nakatulog nanaman yata siya ngayon, kasi hindi na siya nagreply sa messages ko habang tinatype ko ang post na 'to. Pero okay lang. Masakit yung lalamunan niya at medyo malungkot na rin siya kasi nawawalan na siya ng oras kasama ang pamilya niya. I'm planning to ask her to sit next to me, in a two- or three-hour span, sa byahe papuntang Calaruega, sa retreat. Sana pumayag siya. Kasi, truthfully, wala na akong ibang gustong makatabi at makausap sa byahe na yun kundi siya lang. If ever she doesn't want it, I'd probably sit by myself and listen to my music player and sleep all the way to our destination, not talking to anybody else.

Still, it's a bit crazy. Ngayon iniisip ko na din kung ayaw na niya lang talagang magreply o nakatulog na siya talaga. Woes, woes. Hahaha. Sana yung latter ang reason. O kaya e sana magreply pa siya mamaya.

Oo nga pala. Nagdadalawang-isip na ako sa pag-amin sa retreat. Come what may nalang. Pero sayang parin. Pero ewan. Ah, bahala na.

Thursday, August 25, 2011

paper airplane

After the text last night, hindi ako nakatulog ng maayos. Puyat ako, kasi iniisip ko kung ano ba talagang nangyari sa kanya. Gising ako halos buong magdamag para kung sakaling kailangan niya ng kausap, nandun ako. Alam kong iba 'to, kasi dati naman kahit hindi maganda ang nararamdaman niya, kinakausap niya ako. Ngayon hindi.

She was so quiet at school. It's not like her. Hindi siya ngumingiti, hindi nakikipag-usap, ganun. Hindi din maganda ang pakilasa ko kasi hindi nga ako nakatulog. Antok na antok ako. Ganun kami hanggang mag-lab. Pag lab ko lang kasi talaga siya nakakausap ng maayos. Kasi siguro dahil walang papansin sa amin dun, hindi unusual na lapitan ko siya, ganun. I don't know if she feels the same way on our pilfered time there, pero ganun talaga.

She sat near me. But still as quiet as ever. Hindi ko na alam iisipin, hindi ko na alam gagawin, gusto ko na talaga siyang kausapin at siguraduhing okay lang siya.

I made a paper airplane. Di ko na kasi talaga alam kung anong pwedeng gawin para ma-break yung cold air. May nakasulat dun, tinanong ko kung ok na ba siya. She took it, paused for a bit, then she went out. Wala na akong idea talaga, I couldn't take the ambiance any longer. Lumabas din ako ng medyo matagal.

Pagbalik ko, inalok niya ako ng milk tea na binili ng isa pa naming kaibigan. A sign of everything's fine siguro. Nagkausap na kami, pero sobrang antok ako nun, kaya hindi ko siya nakausap ng maayos. Pero dahil nandun ulit siya malapit sa akin, intoxicated nanaman ako. Haha.

Hindi niya sinabi sa akin yung reason kung bakit siya nagkaganun kahapon (and to an extent, ngayon). Surface of things lang ang alam ko, vague idea, coming from the messages she sent me afterwards. Ngayon. But she seems to be better. And that's what matters. Meron pa naman sigurong dadating na panahon na ikukwento niya sa akin yun. Sana.

Kausap ko parin siya hanggang ngayon. Katulad na ulit ng dati naming usapan, balik sa dati, comfortable talk. Okay na ako dito.

Tuesday, August 23, 2011

one

Mas okay ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

Nakatulog yata siya kagabi at hindi na siya nag-text back kinaumagahan. But it's alright, that's how she is sometimes. May lab ngayon kaya makakausap ko nanaman siya ng mas maayos. Lab time, hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit ako agad sa kanya, I hope I don't look too pushy kasi ayoko naman ng ganun. I just wanted to talk to her, that's all. Maybe it's selfishness..

Ayun. Nagtawanan kami kasama ang madami pang kaibigan. I did not have a lot of time talking to her alone, but the laughs were worth it. Masaya naman kami nung mga panahong yun. I luxuriated in her nearness. Malapit nanaman siya, and for me, that's plenty enough.

I went out once at one of our classes, I think that's TL. I patted her head before going out. Nag-linger pa ako ng kaunti. The ways I show affection.. Minsan nawi-weirduhan na din ako sa sarili ko. But I need to let her feel that, ewan ko, nag-o-overflow kasi.

Ngayon din pala pinagdesisyunan kung saan ka sasama sa fieldtrip ng batch. I wanted to go to Singapore, but truthfully, kahit saan basta kasama siya okay sa akin. I think of her too much, I guess. Healthy pa ba ito? Hahaha.

Before going home, we caught each other's eyes once again. I'd like to think that there's that one glance that's just for the two of us - nangyari nanaman siya kanina. We said goodbye to each other without words, parang nangyayari na dati. It was a short while, but it made me happy. So happy. And contented.

Pero nagmessage siya sa akin pagkatapos naming maghiwalay. Naaasar daw siya. Hindi ko alam kung bakit. Sa tingin ko naman hindi dahil sakin, pero gusto ko parin malaman kung anong dahilan. I want to carry her burden. Gusto kong saluhin siya, gusto kong nandun ako at may magawa ako sa kanya kapag kailangan niya na talaga.

I'll message her later to say goodnight. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang i-open yun ngayon. There will be time tomorrow. And I'll make sure I'll let her feel she's not alone.



PS. Napag-isip-isip ko na magsusulat ako dito hanggang sa pwede ko nang sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko. I want to believe that time will come. At pag nangyari yun, wala talaga akong itatago sa kanya at hindi ko siya lolokohin. Kahit kailan.

Monday, August 22, 2011

thoughts and 18 seconds of peace

Today was just like any other day before. Classes, awkward nanaman. Ewan ko ba, I feel like we have something special between us but there's also something.. missing, o kaya pwede mong sabihing we have our reservations. I think the reservation's mostly on her side - hindi ko naman tinatago sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya, albeit not saying it directly (just yet). Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba talaga akong kausapin sa harap ng madaming tao dahil iniisip niya ang sasabihin nila, o ewan. Alam ko hindi siya ganun, but I can't shake off the perception.

I'm initiating, pero madalas pakiramdam ko na-o-obligate lang siyang kausapin ako. Na parang hindi siya interesado, na parang nagmumukhang ipinupush ko kahit ayaw niya. Siguro ako lang nag-iisip nito, ewan, di ko alam.

Sobrang close namin. Pero parang hanggang messages lang. Text messages. Ayoko ng ganun. Mas okay kung personal. But I don't know if she wants that. I'm not sure and I can't tell.

I feel the need to tell her how I really feel as soon as possible. Sa trip to Calaruega next week. Ayoko din naman kasi na ang ganun ka-special na revelation ay mangyari out of nowhere sa school na naka-uniform kami. O kaya sa text. O kaya sa isang lugar na hindi memorable. Minsan lang ako magsasabi sa kanya for the first time (actually, isang beses lang mangyayari ang first time) na mahal ko siya, why settle for a mediocre setting? Pero baka sa pagiging ganito ko, mainip siya/hindi na niya i-take seriously. For the nth time, ewan ko ba.

Ayun. Nagpaiwan sila dahil may battle of the bands sa university. I went somewhere with my other classmates, friends, for academic reasons. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya, for the said reasons above, hindi ko alam kung ipupush ko nanaman ba kahit ayaw niya o hindi. After the trip, I went back to the university to perhaps attend the battle and catch a glimpse of her. What the heck did I just do - I took a roundtrip, spent gasoline and time, just to see her. Pero dahil hindi ko nga sure, umalis din ako agad pagkadating ko dun at hindi ko na siya hinanap.

Ngayon eto. Pagkauwi ko, nakita kong nagmessage siya sakin sa twitter, hours ago, asking me to take care on my then-trip. It took some load off me, pero balik nanaman kami sa message-correspondence. Messages, messages. Sana personal naman..

I'm planning to call her later, and tell her I'm calling just to hear her voice. I'm sure she'll be weirded out, pero kailangan ko lang talaga siyang marinig.

12:29 past midnight.

I think all is well, at least that's what I see. Tinawagan ko siya and she seemed happy and okay about it. Call log: 18 seconds. Maikling panahon lang pero personal parin. Her voice sounds so tender to my ears. Funny how she can change me in an instant.

Okay na 'to. Ito gusto kong maalala pag binasa ko 'to ulit. Babay. :)

zero

These proses are written solely for you, about you. Alam ko kasi na hindi lahat ng bagay masasabi ko sa'yo. At sa ibang kakilala ko.

Her name starts with an L and ends with a Z. I have fallen for her a long time ago, I can't even remember when. And these are my thoughts of her; the things I can't open up to anybody else.