Tuesday, November 15, 2011

of concerts, halloween and everything that went with it

November 15. Three days from our last *perfunctory* talk. At bago pa yun, ang isang almost-a-week of silence.

October 30, 2011. Remember the "should-be-a-grand-birthday" thought? Tinuloy ko siya. Inaya ko siya sa isang concert at swerte namang pumayag siya. Despite all the (for-me-it-seems) misunderstandings and 'distance', pumayag siya. We had a wonderful night; or maybe it was just me. Hindi ko naman talaga masigurado kung nag-enjoy ba siya sa company ko o sa artist lang na nagperform. But she said she was happy and she was very grateful, so I, yet again, felt all warm inside. I thought it could be the start of something magical. Ay, mali. The start of something magical again, kasi bago pa ang kung-ano-mang-reason-kung-bakit-nagkadistance-na-hindi-ko-naman-alam, it was what I felt. And what she seemed to have felt, as well.

November 1, 2011. Birthday niya. Swerte namang wala ang mga magulang ko, I could do something reckless and different without holding back. Dahil may birthday gift na talaga ako sa kanya (concert worth millions), hindi na dapat talaga ako magreregalo sa mismong araw ng birthday. Pero naramdaman ko kasi na parang may.. kulang, na parang meron pa akong dapat gawin.

E diba nga wala na talaga akong planong magregalo para sa araw na yun? Wala tuloy akong nakahandang regalo. Kaya buong araw (literally) ako naghanap ng maibibigay sa kanya. Naikot ko nga yata ang karamihan ng parte ng Quezon City na alam ko, para lang mahanap yung gusto ko talagang ibigay sa kanya. Pero inabot na ako ng gabi, almost-empty gas tank at sakit ng ulo't katawan, kaya nagsettle nalang ako sa isang unromantic pero full-of-meaning na regalo. Take your time.

11pm. Sabi ko sa kanya nasa probinsya ako para masurprise naman siya. Nung tinawagan ko siya at sinabing nasa labas ako ng pintuan nila, nagtunog nagulat-pero-masaya naman siya. Lumabas siya at sinundo ako. Sabi ko madali lang ako pero pinapasok niya ako at nakasama ko ang iba pa naming kaklase. Hiyang-hiya na talaga ako kasi para akong biglang tumalon sa isang stage at iniharap sa isang audience na hindi naman dapat nanunuod. Pero, okay lang, para sa kanya. Yun nga lang, kinailangan ko na talaga umuwi nun.

Noong dumami pa lalo ang tao, hindi ko na kinaya. Nahiyang-nahiya na + kailangan ko na talaga umuwi = umalis ako agad pagdating ng mas madami pang 'surprises'. At isa pa, siya lang naman talaga ang gusto kong makita nun, kaya hindi na ako nagpatagal pa. I thought there was something wrong with my surprise and that night in general, pero hindi ko masabi kung ano. Basta pakiramdam ko lang meron. May mali. Alam mo yun, parang eksena sa 500 Days of Summer: expectations, reality. Hindi katulad nung expectations ng movie yung sa akin, but you get the point.



At, pagkatapos nun, hindi ko na naman alam kung anong nangyari.



Bigla nanamang naging cold ang distance namin. I tried to make efforts, like I always had, pero ayun. Parang napipilitan na lang ulit siyang mag-keep up sakin. Ang hirap din pala. Hindi ko alam kung kaya ko pa.

It's been days since we last talked. I miss the old times. I miss the talks, I miss being with her, I miss being able to tell her everything. Hay. Ano ba kasing nangyari. Katulad ng mga nangyari bago 'to, hindi na ako makapag-open up sa kanya ng katulad ng pag-open ko dati. I feel like we really are growing apart; really, really growing apart, away from each other. Parang ang lapit na sa point of no return. Mahal ko parin siya, and I guess it'd stay this way even though this is happening. Pero ayun. Akala ko okay lang sa akin na mag-effort ng mag-effort kahit na parang tine-take for granted ang efforts na yun. Ang hirap din pala. Sa totoo lang hindi na nga ako nag-e-expect ng reciprocation, not that it looks like she'll give it to me; sino ba naman ako. Pero kahit yung friendship man lang namin, i-treasure ko. It means a lot. For me.

Ngayon hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Wait? Hold on? Ayoko namang mag-let go sa bagay na nagbigay ng meaning ulit sa existence ko after a long, long, long time. Can somebody please tell me what to do. Sigh.

Wednesday, October 26, 2011

after a while

Ang tagal ko ding hindi nagsulat dito. Malamang kasi walang nangyayaring masaya. I mean, between the two of us. For a long time.

Simula nung huli kong post dito, ang dami nang nangyari. Mostly academics. Naging busy ang lahat ng tao, at kasama na kami dun. And we seem to grow apart. Dahil kaya sa busy-ness o may iba pang reasons?

Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Naging kaunti na ang usapan; naging perfunctory nalang kapag meron. Madalang na kaming magkasama, at yung times na magkasama kami, e awkward silence/presence lang ang nangyayari. Kailan kaya nagsimula ang distance na 'to? Ino-open ko naman sa kanya lahat ng iniisip ko (maliban nalang sa mga iniisip ko tungkol sa kanya). Pakiramdam ko parang nawala yung bare honesty niya sa akin na present dati. Yun bang sine-share niya lahat ng iniisip at nararamdaman niya. Hindi na niya ginagawa yun.

Ayoko sanang isulat 'to dito, pero pakiramdam ko din na isa lang ako sa madaming mga pinag-o-open-an (napag-open-an) niya, tapos tapos na. Akala ko dati, ako lang ang may alam ng mga secrets na sinasabi niya. Sinabi niya rin yun sa akin e, na secretive na daw siya at hindi na nag-o-open up sa ibang tao, pero bakit kaya ganun? Umabot sa point(s) na nararamdaman ko na hindi ako worth ng trust niya. Anong nangyari? Bakit kami nagkaganito?

Recently, ilang araw kaming hindi nag-usap. Unusual yun, considering what we had in the past. Siguro kasi, on my side at least, hindi ko siya kayang kausapin kasi naramdaman ko na ayaw naman niyang makinig sa akin. Or kailangan niya ng space, away from me. Alam mo yun? Sinabi niyang wag daw akong matakot sabihin sa kanya lahat, pero paano mo naman masasabi ang gusto mo kung ayaw makinig ng gusto mong sabihan? Pero hindi naman sa hindi ako nag-attempt, actually ilang beses akong nagtry mag-initiate ng conversation, pero walang reaction from her. Tapos after some days, bigla siyang magmemessage at magsasabing "Ingat", "Namiss kita", at "Goodnight", amongst other things. Edi sira nanaman reserves ko, basag nanaman ako. I guess she's my weakness. Wala akong magawa kapag andyan na siya.

Nasabi na niya din sa akin na wag daw akong mag-overthink at mag-overanalyze, pero hindi ko naman ginagawa yun. Yun kasi ang nararamdaman ko, at iba siya sa overanalyze at overthink. Mararamdaman mo naman yun e, kapag pinupush away ka. Ganun ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para maging ganito ang situation ko, wala namang nagbago sa treatment ko sa kanya simula pa dati. I have always been caring for her. Pero bakit ngayon parang meron akong nagawang mali?

I also see her frequently talking to other people, in whispers, mostly with men. Hindi naman sa namimisinterpret ko, pero ang nararamdaman ko e para ngang hindi ko na-earn ang trust niya. Na-earn ko siguro, dati, pero nawala na ngayon. May nararamdaman ako: hindi siya selos, kundi naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit hindi siya makapag-open up sakin with unblemished sincerity, tulad ng dati, unlike when she's with them. Siguro kasi hindi (na) ako worth bigyan ng trust. Hay, puro nalang ako siguro. Wala naman kasi na akong naririnig sa kanya. Meron, pero parang hindi na galing sa puso. She seemed to close herself, with me at least.

I have been feeling all confused and drowning and unhappy for the past weeks (umabot na yata ng month. O months na?). Ano ba kasing nagawa ko? Pa'no nangyari ang distance na 'to? Gusto mo pa ba ako sa buhay mo? Kaya nga sabi ko dati, kung ano ang nararamdaman mo sabihin mo lang. Kapag ayaw mo akong maging present sa buhay mo, sana sabihin mo nalang. Mas madali siyang intindihin, at least alam ko. Siguro nga ganun na ang case e, kung umabot na tayo sa point(s) na hindi na tayo nag-uusap. Pero bakit bigla nalang parang gusto mo na ulit akong maging present, tapos ayaw ulit, tapos gusto ulit? Ang hirap na. Saan ba ako lulugar?

Siguro dapat diretsuhin na kita sa kung ano bang nararamdaman ko para sa'yo. Forget the timing, forget the unforgettable setting? Para na lang malaman mo at maging clear sa'yo? Katulad pa rin ng dati, hindi naman ako nag-e-expect ng reciprocation ng feelings of love. Well, siguro, may kaunti. I long for happiness too............................ pero kahit wala okay lang. Ang sana lang, hindi niya ako ginaganito.

Pero, ayun. Mahal ko parin siya. What the hell's wrong with me?



PS. Malapit na pala ang birthday niya. Ano nang gagawin ko? I want to do something grand and expressive and unforgettable pero on the other hand, baka hindi naman niya kailangan yun galing sa akin.

Sunday, September 11, 2011

overnight, sleep, and sober

I was with her for two nights. Nag-overnight kasi ang group namin for some work. At sumama siya for no special reason.

Masaya yung dalawang gabi na yun. Kasama namin ang iba pang kaibigan. Halos nagtawanan at nag-music trip lang kami most of the time. Nagkaroon din naman ng progress ang ginagawa namin pero karamihan sa oras e naubos sa mga walang-kwenta pero nakakatuwang gawain.

I cannot write every little detail that happened, kasi ang daming panahon na sobrang saya ko lang na nandun siya malapit sakin. And it happened a lot, madaming beses na palagi kaming magkasama. But I can remember two particular moments, na siguro hindi ko makakalimutan for a long time.

Una, e yung first night. She slept near me. Bago kami matulog, nandun siya sa may ibaba ng kama kung saan ako nakahiga. We shared earphones, nakinig kami ng music bago matulog. Ganun kami for a while. Tapos, hinayaan ko siyang antukin, and, eventually, fall asleep. She didn't know about this part, pero ang tagal kong gising pagkatapos niyang makatulog. Nakatingin lang ako sa kanya. And then I realized how much I love her, realized much more than all those realizations and admittance that I had before. I could stare at her all night, all day, and never get tired of it. Naramdaman ko na hindi ko talaga niloloko ang sarili ko, mahal ko talaga siya. At gagawin ko lahat para lang lagi siyang maging peaceful katulad ng itsura niya noong natutulog siya. Drowning in my thoughts, I too fell asleep afterwards.

Ang pangalawa e nung second night. She wasn't with us for most of the evening: she went out to a friend's party, where they had free-flowing drinks for the rest of the occasion. Mga 2pm, nagpasundo siya sakin. Edi ako naman si sundo. Masakit ang ulo niya at medyo hilo na siya.

Pagdating sa bahay, umakyat ako sa second floor. Nag-sober up muna siya ng kaunti sa baba. Tapos umakyat din siya. At umupo sa tabi ko.

Pwede kong sabihin na mostly it was because of the alcohol. Siguro nga. Pero kung ikaw yung nandun sa position ko nung mga panahong yun, hindi mo din siya maiisip. I can't remember any instance where we were that intimate to each other. Wala namang special na nangyari, pero magkatabi kami noon, and I was touching her head tenderly. Arranging and playing with her hair. Feeling her face. And she had this look that told me that it's all right. Na hindi ako isang stranger para sa kanya. Na okay lang para sa kanya na maging malapit ako. We talked about trivial and apparent things, hindi ko na maalala kung anong mga napag-usapan namin, because at that moment nothing else mattered except that she was with me and we were comfortable with the nearness.

Sana hindi yun effect lang ng alcohol. Well, I guess I'll never really know.


***

PS. The day before those nights, we talked at school. Isang oras, dun ulit sa boring na subject, magkatabi kami. We talked about each other. Kung gaano ko siya kakilala, at ang mga alam niya tungkol sa akin. I was surprised on how much she remembered. Hindi pala siya madaling makalimot sa mga sinasabi ko sa kanya. Magical hour. Ang saya lang talaga noon. Maybe I'd keep replaying that moment in my head at times na wala na talaga akong maisip na masayang memory.

Wednesday, September 7, 2011

her dream

I am posting today just because I don't want to forget what she said to me.

Sinamahan ko siya kanina papuntang bangko. Tapos tinanong ko siya: May naalala kasi akong sinabi niya last week, meron daw siyang hindi nakwento sakin, kaya tinanong ko kung ano yun.

She dreamt of me. We were in a room with our friends, and then I hugged her.

I'm not sure what I looked like when she said that. But I'm pretty certain I looked like the happiest man on earth. Sana hindi niya napansin na sobrang natuwa ako sa sinabi niyang yun. At sa pagkakasabi niya, mukhang hindi naman siya na-bother sa panaginip na yun. :)

Saturday, September 3, 2011

retreat, post-retreat and today

Hindi pala ako nagsulat dito for some time. Pero siguro kasi nararamdaman ko lang ang urge magsulat dito kapag merong mga bagay na parang.. kulang, o mali, ganun.

Retreat: It didn't go so well, save for one moment where I hugged her. That's the happiest memory I have of the place. Hindi ko din nasabi sa kanya lahat-lahat. Siguro kasi masyado pang maaga. I don't want her to think I'm preying on her just because she's hurting, or because now she's at her most vulnerable, after a break-up. Ayokong isipin niyang tine-take advantage ko ang moments of weakness niya, ngayong nasasaktan pa siya at kailangan niya ng makakapitan. I want her to feel things by her own accord and not from feelings of loneliness or incompleteness. Kahit matagalan siya magheal, okay lang maghintay. Basta maging buo ulit siya. At hindi ako nag-e-expect ng return of feelings. Kung ano man ang kalabasan nito, okay lang sakin. Kung saan siya magiging masaya, yun ang dapat mangyari. Even if I'd not be a part of that completeness.

Anyway, I was, to tell the truth, depressed most of the time, nung retreat. Parang may mali kasi. Ewan. Madalas nararamdaman ko nanaman yung "pushing-away" feeling na nabanggit ko nun pang nauna. Minsan naman may times na parang gusto niyang malapit ako. Ang labo, diba? Walang consistency, but maybe that's how things really are. Wala ako sa posisyon na mag-expect at hindi naman talaga dapat. Kaya, the problem's not with her, but with me, hindi ko siya sinisisi. Masyado lang siguro talaga akong selfish.

Ayun nangyari most of the time. Parang may distance talaga na hindi ko maiwasan. I went home feeling confused, of some sort.

Kinabukasan, minessage niya ako. Nagpasalamat siya sa letter ko (na sobrang open-heart on my part). Small things, makes me happy, pero parang superficial lang lahat kung titignan ko ng mabuti. Nalaman ko na hindi pala siya totally okay, at related sa ex(?) niya ang reason kung bakit. Sabi niya ikukwento niya sakin yun, at hanggang ngayon, hinihintay ko parin kung kailan dadating ang kwento na yun.

Post-retreat: Parang bumalik kami sa dati. I got the feeling that she wanted me close again. Parang nawala yung 'distance'. For the past few days, hanggang kahapon, we were enjoying each other's company, fully, once again, just like the old(er) days. Kagabi, nakausap ko ulit siya through phone. It was an enjoyable and poignant talk. Surface of things lang ulit pinag-usapan namin, but I got the feeling that she was comfortable with it. Masaya yung past few days, sa totoo lang. Kaya hindi ko naramdaman magsulat ulit dito. The reason is that, I didn't feel there were things left unsaid, at least for those days.

Today: Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung saang part ng araw na 'to nagsimula. Pero, kagabi lang, sobrang okay ang lahat, ang saya namin, ganun. Ngayon, parang bigla nalang bumalik yung 'distance'. Parang may mali ulit, ang gulo ano? Hindi ko naman sigurado kung busy lang talaga siya o ayaw niya lang talagang kausapin ako. Well, what do I do. Eto, wala naman akong magagawa kundi hayaan siyang gawin ang gusto niya. If she wants to talk, I guess she'll give signs that she wants to. Okay, I'm back to waiting. It's not a bad thing, at sa totoo lang ito ang dapat ko talagang gawin. Kaya okay lang.

Pero sana lang, there'd be wonderful reasons for this wait. Hindi talaga ako nag-e-expect na mareciprocate yung feelings, ganun, pero sana kahit maging closer lang kami. And I wish she'd be more honest with me. Kung ayaw niya naman talaga, makipag-usap o maging mas malapit kami, she can tell it straight. I think it would be better, at least alam ko.

Argh, pati ako naguguluhan na din sa mga sinabi ko. Okay, hintay-mode ulit.

Friday, August 26, 2011

a secret and an hour

Dumating siya ng late, sa isa pang laboratory class, at nakapag-usap naman kami ng maayos bago naging busy. Welcoming, comfortable conversation. Medyo malamig ang aura ng klase namin kasi na-open ang ilang issues na pinoproblema naming magkakaklase. Pero wala naman siyang naging epekto sa aming dalawa, I mean, in terms of the mood for the day.

Siguro masyado na akong mababaw, pero may isang oras, more or less, na nag-usap kami, at sobrang sarap sa pakiramdam.

Lumipat siya malapit sa upuan ko near the end of the day. Meron kasi siyang imi-meet na kaibigan at gusto niya, kapag tumakas siya sa klase, hindi masyadong halata, kaya doon siya pumuwesto sa may pintuan. I didn't care anymore what other people, our friends, thought of us; I moved my chair next to her and talked with her until her supposed meeting with the friend she was talking about.

Ang sarap-sarap makipag-usap sa kanya. Ang sarap-sarap lang talaga. She was talking and joking and telling stories - it was so intoxicating, yet again. May nalaman akong sikreto niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pero tinanggap ko nalang. She said it was not something she was proud of, pero para sa akin wala namang naging epekto yun sa kung sino siya. I still love her all the same. Hindi pa niya alam yun. Sa ngayon. Hahaha.

That was a magical hour. I wouldn't trade it for anything else.

Nakatulog nanaman yata siya ngayon, kasi hindi na siya nagreply sa messages ko habang tinatype ko ang post na 'to. Pero okay lang. Masakit yung lalamunan niya at medyo malungkot na rin siya kasi nawawalan na siya ng oras kasama ang pamilya niya. I'm planning to ask her to sit next to me, in a two- or three-hour span, sa byahe papuntang Calaruega, sa retreat. Sana pumayag siya. Kasi, truthfully, wala na akong ibang gustong makatabi at makausap sa byahe na yun kundi siya lang. If ever she doesn't want it, I'd probably sit by myself and listen to my music player and sleep all the way to our destination, not talking to anybody else.

Still, it's a bit crazy. Ngayon iniisip ko na din kung ayaw na niya lang talagang magreply o nakatulog na siya talaga. Woes, woes. Hahaha. Sana yung latter ang reason. O kaya e sana magreply pa siya mamaya.

Oo nga pala. Nagdadalawang-isip na ako sa pag-amin sa retreat. Come what may nalang. Pero sayang parin. Pero ewan. Ah, bahala na.

Thursday, August 25, 2011

paper airplane

After the text last night, hindi ako nakatulog ng maayos. Puyat ako, kasi iniisip ko kung ano ba talagang nangyari sa kanya. Gising ako halos buong magdamag para kung sakaling kailangan niya ng kausap, nandun ako. Alam kong iba 'to, kasi dati naman kahit hindi maganda ang nararamdaman niya, kinakausap niya ako. Ngayon hindi.

She was so quiet at school. It's not like her. Hindi siya ngumingiti, hindi nakikipag-usap, ganun. Hindi din maganda ang pakilasa ko kasi hindi nga ako nakatulog. Antok na antok ako. Ganun kami hanggang mag-lab. Pag lab ko lang kasi talaga siya nakakausap ng maayos. Kasi siguro dahil walang papansin sa amin dun, hindi unusual na lapitan ko siya, ganun. I don't know if she feels the same way on our pilfered time there, pero ganun talaga.

She sat near me. But still as quiet as ever. Hindi ko na alam iisipin, hindi ko na alam gagawin, gusto ko na talaga siyang kausapin at siguraduhing okay lang siya.

I made a paper airplane. Di ko na kasi talaga alam kung anong pwedeng gawin para ma-break yung cold air. May nakasulat dun, tinanong ko kung ok na ba siya. She took it, paused for a bit, then she went out. Wala na akong idea talaga, I couldn't take the ambiance any longer. Lumabas din ako ng medyo matagal.

Pagbalik ko, inalok niya ako ng milk tea na binili ng isa pa naming kaibigan. A sign of everything's fine siguro. Nagkausap na kami, pero sobrang antok ako nun, kaya hindi ko siya nakausap ng maayos. Pero dahil nandun ulit siya malapit sa akin, intoxicated nanaman ako. Haha.

Hindi niya sinabi sa akin yung reason kung bakit siya nagkaganun kahapon (and to an extent, ngayon). Surface of things lang ang alam ko, vague idea, coming from the messages she sent me afterwards. Ngayon. But she seems to be better. And that's what matters. Meron pa naman sigurong dadating na panahon na ikukwento niya sa akin yun. Sana.

Kausap ko parin siya hanggang ngayon. Katulad na ulit ng dati naming usapan, balik sa dati, comfortable talk. Okay na ako dito.

Tuesday, August 23, 2011

one

Mas okay ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

Nakatulog yata siya kagabi at hindi na siya nag-text back kinaumagahan. But it's alright, that's how she is sometimes. May lab ngayon kaya makakausap ko nanaman siya ng mas maayos. Lab time, hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit ako agad sa kanya, I hope I don't look too pushy kasi ayoko naman ng ganun. I just wanted to talk to her, that's all. Maybe it's selfishness..

Ayun. Nagtawanan kami kasama ang madami pang kaibigan. I did not have a lot of time talking to her alone, but the laughs were worth it. Masaya naman kami nung mga panahong yun. I luxuriated in her nearness. Malapit nanaman siya, and for me, that's plenty enough.

I went out once at one of our classes, I think that's TL. I patted her head before going out. Nag-linger pa ako ng kaunti. The ways I show affection.. Minsan nawi-weirduhan na din ako sa sarili ko. But I need to let her feel that, ewan ko, nag-o-overflow kasi.

Ngayon din pala pinagdesisyunan kung saan ka sasama sa fieldtrip ng batch. I wanted to go to Singapore, but truthfully, kahit saan basta kasama siya okay sa akin. I think of her too much, I guess. Healthy pa ba ito? Hahaha.

Before going home, we caught each other's eyes once again. I'd like to think that there's that one glance that's just for the two of us - nangyari nanaman siya kanina. We said goodbye to each other without words, parang nangyayari na dati. It was a short while, but it made me happy. So happy. And contented.

Pero nagmessage siya sa akin pagkatapos naming maghiwalay. Naaasar daw siya. Hindi ko alam kung bakit. Sa tingin ko naman hindi dahil sakin, pero gusto ko parin malaman kung anong dahilan. I want to carry her burden. Gusto kong saluhin siya, gusto kong nandun ako at may magawa ako sa kanya kapag kailangan niya na talaga.

I'll message her later to say goodnight. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang i-open yun ngayon. There will be time tomorrow. And I'll make sure I'll let her feel she's not alone.



PS. Napag-isip-isip ko na magsusulat ako dito hanggang sa pwede ko nang sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko. I want to believe that time will come. At pag nangyari yun, wala talaga akong itatago sa kanya at hindi ko siya lolokohin. Kahit kailan.

Monday, August 22, 2011

thoughts and 18 seconds of peace

Today was just like any other day before. Classes, awkward nanaman. Ewan ko ba, I feel like we have something special between us but there's also something.. missing, o kaya pwede mong sabihing we have our reservations. I think the reservation's mostly on her side - hindi ko naman tinatago sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya, albeit not saying it directly (just yet). Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba talaga akong kausapin sa harap ng madaming tao dahil iniisip niya ang sasabihin nila, o ewan. Alam ko hindi siya ganun, but I can't shake off the perception.

I'm initiating, pero madalas pakiramdam ko na-o-obligate lang siyang kausapin ako. Na parang hindi siya interesado, na parang nagmumukhang ipinupush ko kahit ayaw niya. Siguro ako lang nag-iisip nito, ewan, di ko alam.

Sobrang close namin. Pero parang hanggang messages lang. Text messages. Ayoko ng ganun. Mas okay kung personal. But I don't know if she wants that. I'm not sure and I can't tell.

I feel the need to tell her how I really feel as soon as possible. Sa trip to Calaruega next week. Ayoko din naman kasi na ang ganun ka-special na revelation ay mangyari out of nowhere sa school na naka-uniform kami. O kaya sa text. O kaya sa isang lugar na hindi memorable. Minsan lang ako magsasabi sa kanya for the first time (actually, isang beses lang mangyayari ang first time) na mahal ko siya, why settle for a mediocre setting? Pero baka sa pagiging ganito ko, mainip siya/hindi na niya i-take seriously. For the nth time, ewan ko ba.

Ayun. Nagpaiwan sila dahil may battle of the bands sa university. I went somewhere with my other classmates, friends, for academic reasons. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya, for the said reasons above, hindi ko alam kung ipupush ko nanaman ba kahit ayaw niya o hindi. After the trip, I went back to the university to perhaps attend the battle and catch a glimpse of her. What the heck did I just do - I took a roundtrip, spent gasoline and time, just to see her. Pero dahil hindi ko nga sure, umalis din ako agad pagkadating ko dun at hindi ko na siya hinanap.

Ngayon eto. Pagkauwi ko, nakita kong nagmessage siya sakin sa twitter, hours ago, asking me to take care on my then-trip. It took some load off me, pero balik nanaman kami sa message-correspondence. Messages, messages. Sana personal naman..

I'm planning to call her later, and tell her I'm calling just to hear her voice. I'm sure she'll be weirded out, pero kailangan ko lang talaga siyang marinig.

12:29 past midnight.

I think all is well, at least that's what I see. Tinawagan ko siya and she seemed happy and okay about it. Call log: 18 seconds. Maikling panahon lang pero personal parin. Her voice sounds so tender to my ears. Funny how she can change me in an instant.

Okay na 'to. Ito gusto kong maalala pag binasa ko 'to ulit. Babay. :)

zero

These proses are written solely for you, about you. Alam ko kasi na hindi lahat ng bagay masasabi ko sa'yo. At sa ibang kakilala ko.

Her name starts with an L and ends with a Z. I have fallen for her a long time ago, I can't even remember when. And these are my thoughts of her; the things I can't open up to anybody else.